Paglinang at pagtataya ng modyul sa pagbasa

Sub Title:

Author: Nacionales, Marlyn M.

Accession Number:

Class No:

Author No:

Copyright Year: 2008

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Paglinang at Pagtataya ng Modyul sa Pagbasa. Gamit ang paraang palarawan, sinuri at tiniyak ng mga guro at mga mag-aaral sa Filipino 102 ang kahusayan ng ginawang modyul gamit ang talatanungan na batay sa mga sumusunod na pamantayan: aspektong pisikal, layunin, paksang-aralin, gawain sa pagkakatuto at pagsubok o pagsasanay. Ang talatanungan ay may sumusunod na apat na antas: Napakahusay, Mahusay, Katamtaman, at Mahina. Dumaan ang modyul sa proseso ng pagpapakinis batay sa mga payo, suhestiyon, at kagustuhan ng mga tagatayang dalubhasa. Ang pang-istadistikang palarawan na ginamit ay ang katampatang-tuos at standard deviation sa pagtiyak ng kahusayan ng modyul at ang t-test para sa independent samples sa pagtiyak ng makabuluhang pagkakaiba sa pagtatayang ginawa ng mga guro at ng mga mag-aaral. Ang antas ng kabuluhan ay itinakda sa 0.05. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpakita na napakahusay ng ginawang modyul batay sa pagtatayang ginawa ng mga guro. Napakahusay din ito batay sa pagtatayang ginawa ng mga mag-aaral. Ipinakikita rin sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang pagtatayang ginawa ng mga guro at mga mag-aaral.


Keywords: Modyul sa pagbasa

Citation:



File Attachments

A PHP Error was encountered

Severity: Notice

Message: Undefined offset: 1

Filename: pub/results.php

Line Number: 135

A PHP Error was encountered

Severity: Notice

Message: Undefined offset: 1

Filename: pub/results.php

Line Number: 135