Ang Imahen ng Kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni Magdalena G. Jalandoni :

Sub Title: isang dekonstruksyong pagsusuri

Author: Hachero, Cheryl G.

Accession Number: 1522T

Class No:

Author No:

Copyright Year: 2013

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong paraan ng pananaliksik na may layuning alamin ang iba't ibang imahen ng kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni Magdalena G. Jalandoni. Ang tatlong mga akda na pinili sa ginawang pag-aaral ay ang nobelang "Juanita Cruz", maikling kuwentong "Si Anabella", at dulang "Labi sa Bulawan". Ginamit ang dekonstruksiyong pagdulog sa pagsusuri ng mga akda. Bilang anak, ang babae ay inilarawan bilang isang batang masunurin sa magulang, magalang at mapagkumbaba sa nakakatanda sa kanyan, mapagmahal din siya ngunit dumarating ang pagkakataong natututo rin siyang lumabag sa kagustuhan ng mga magulang. Siya ay imahen ng mabuting anak ngunit may sarili din namang paninidigan na hndi lamang sumusunod sa lahat ng mga ipinapagawa sa kanya kundi ipinaglalaban din niya ang sariling damdamin. Bilang dalaga naman, siya ay inilarawan bilang babaeng maanyag o kahali-halina ang ganda - imahen siya ng isang babaeng my pagpapahalaga sa kagandahan. Napakasegurista din niya o makuyaw pagdating sa lalaki, iniingatan talaga niya ang kanyang puri, larawan siya ng kanyang kahinhinan at imahen siya ng isang dalagang marangal. Siya din ay babaeng matiisin pagdating sa pag-ibig, mapagsakripisyo kaya imahen siya ng dalagang tapat kung umiibig. Ngunit tao lang din naman siya kaya hindi rin nawawala sa kanya ang pagiging selosa pagdating sa taong minamahal. Bilang asawa naman taglay niya ang katangian ng tipikal na maybahay . Inilarawan siya bilang babaeng maaalalahanin sa kanyang bana at mababanaag ito sa mga kiniklos niya para dito at pag-aalala na rin sa kalagayan nito. Masuporta din siya sa kanyang kabiyak dahil kaisa siya ng bana sa mga balak nito at mga gustong mangyari para sa kapakanan ng kanilang pamilya. Matapat din siya dahil nananatili siya sa piling ng bana kahit ano man ang mangyari at kahit namatay na ito ay nadiyan pa rin siya at hindi na naghanap pa ng iba. Imahen siya ng isang mapagmahal na asawa at may katapatan sa bana. Bilang ina naman, inilarawan siya bilang babaeng palasimba o madasalin kung kaya imahen siya ng inang maka-Diyos. Maalaga siya sa kanyang mga anak at mapagmahal sa bayan. Siya ay imahen ng isang dakila at ulirang ina dahil hindi nagtatapos sa kanyang mga anak ang paninilbihan niya kundi pati na rin sa bayan.


Keywords: Ilongga Women

Citation:



File Attachments

A PHP Error was encountered

Severity: Notice

Message: Undefined offset: 1

Filename: pub/results.php

Line Number: 135

A PHP Error was encountered

Severity: Notice

Message: Undefined offset: 1

Filename: pub/results.php

Line Number: 135